Community Outreach Program, isinagawa sa Sultan Kudarat

Nagsagawa ng Community Outreach Program sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs at feeding program ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi Treskellion at Company Advisory Group ng Sultan Kudarat PNP sa Purok 4, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang ika-24 ng Abril 2023.

Kung saan, umabot sa humigit kumulang 100 na mga indibidwal ang nakatanggap ng benepisyo mula sa nasabing aktibidad na naglalayong makapagbahagi ng kaunting tulong para sa mga kababayan na higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *