Feeding Program, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Aklan

Aklan- Nagsagawa ng Feeding Program ang mga miyembro ng Boracay Sean Travel and Tours sa Sitio Malabunot, Brgy. Manoc Manoc, Boracay Island, Malay, Aklan nito lamang ika-25 ng Abril 2023.

Katuwang sa naturang aktibidad ang Malay Municipal Police Station kung saan ay namahagi ang grupo ng libreng pananghalian sa limampung kabataan sa lugar.

Labis ang pasasalamat ng mga residente sa binahaging pagkain ng grupo na kanila namang ikinabusog.

Layunin ng naturang grupo na makatulong sa mga kababayan na lubos na nangangailangan ng tulong at maipadama ang malasakit at pagmamahal sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *