Youth Empowerment Symposium at Sulat Kamay isinagawa sa Benguet
Nagsagawa ng Youth Empowerment Symposium at Sulat Kamay ang Regional Mobile Force Battalion 15 sa Guinaoang National High School, Brgy. Guinaoang, Mankayan, Benguet nito lamang Abril 20-23, 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng 110 na estudyante ng nasabing paaralan, mga miyembro ng Youth Mobile Force – Mt. Province Chapter bilang “Guardians” sa mga estudyante sa pangunguna ng RMFB 15 katuwang ang 1st Benguet Provincial Mobile Force Company at PNP Special Action Force.
Tampok sa tatlong araw na aktibidad ang mga edukasyon ukol sa Anti-bullying, Juvenile Delinquency, “Ako lang ‘to: Understanding One’s Personality” mula kay Mr. Jayson Raras ng Kings College of the Philippines, Characteristics of Good Leader, CNN lecture, Fire Safety, Basic Bandaging mula sa Mankayan BFP, Mental Awareness, Stress Management, Teenage Pregnancy at ang Importance of Blood Donation na hatid naman ng Mankayan Regional Health Unit.
Dagdag pa dito ang Family Foundation Seminar, Self Reflection, Moral Recoveries, Love Letter Workshop, Parents Meet Child Activity at mga team buildings activity para magbigay kasiyahan sa mga dumalo.
Ang aktibidad ay naglalayon na hubugin ang talento ng mga kabataan, gabayan sila sa kanilang tatahakin na kinabukasan, mahasa ang abilidad sa pamumuno at maging katuwang ng pamahalaan kontra kriminalidad at insurhensya.