BPATs nakilahok sa Clean-up Drive sa Casiguran, Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Linggo, ika-23 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga Advocacy Support Group.

Nagtulungan sa pamumulot ng mga plastik at iba pang basura na nakakalat sa gilid ng kalsada ang naturang grupo.

Layunin nito na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maiwasan ang polusyon na nagdudulot ng climate change sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *