Advocacy Support Group, nakiisa sa pagpapaigting ng seguridad ng Unity Run sa Pangasinan

Nakiisa ang Advocacy Support Group sa pagbibigay seguridad at pagbabantay sa naganap na Unity Run sa Urbiztondo People’s Park, Urbiztondo, Pangasinan nito lamang Biyernes, ika-28 ng Abril 2023.

Katuwang ng Advocacy Support Group sa nasabing aktibidad ay ang Bureau of Fire Protection, Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Force Multipliers at Urbiztondo Police Station na pinamumunuan ni Police Major Allan DC Abuan, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang seguridad para maiwasan ang mga aksidente sa lugar at panatilihin ang kaligtasan ng mamamayan lalo na sa mga kalahok sa nasabing programa.

Samantala, patuloy naman ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at iba pang mga organisasyon ng gobyerno na bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *