KKDAT Naga City Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Naga City – Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Naga City Chapter sa isinagawang Tree Planting activity na ginanap sa Sitio Copradia, Barangay San Felipe, Naga City nito lamang Abril 25, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Bonjie Neil Corre, PCAD PNCO ng Naga City Police Station 3.

Nakapagtanim ng mahigit 50 na Mahogany seedlings ang mga kalahok sa naturang lugar. Ang aktibidad na ito ay naglalayong isulong ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno para maiwasan ang pagguho ng lupa o pagbaha sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *