Information Caravan tungkol sa ilegal na droga, isinagawa sa Bukidnon

Matagumpay na naisagawa ang Infomation Caravan tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga na ginanap sa Purok 1, Barangay Lupiagan, Sumilao, Bukidnon nito lamang, Abril 30, 2023.

Naging kalahok sa aktibidad ang mga residente ng nabanggit na lugar kung saan tinalakay ng mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay ang mga epekto ng ilegal na droga.

Pinaliwanag din ng kapulisan ang BIDA o Buhay Ingatan Droga’y Ayawan Program ng pamahalaan na may layunin na masawata ang ilegal na droga sa bansa.

Patuloy ang pagsugpo sa ilegal na droga upang mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan sa Northern Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *