Clean-up Drive isinagawa sa Ozamis City

Nakiisa ang mga Barangay Workers ng Barangay Doña, Consuelo sa inilunsad na Clean-up Drive na ginanap sa Baranagay Doña, Consuelo, Ozamis City nito lamang, Abril 30, 2023.

Nakilahok rin sa paglilinis ang mga miyembro ng Ozamis City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Dennis Peñas Tano, Officer-In-Charge ng Ozamis City Police Station.

Pasasalamat naman ang hatid ng residente sa pagtulong ng mga nasabing grupo na malinis ang kanilang lugar.

Layunin ng aktibidad na panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang anumang uri ng sakit dala ng maruming kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *