KASIMBAYANAN Program nilahukan ng Faith Based Advocacy Support Group
Masiglang nilahukan ng mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Support Group ang isinagawang KASIMBAYANAN Program sa pamamagitan ng feeding program at Project Vibes na ginanap sa Barangay Calapandayan, Subic, Zambales nito lamang Sabado, Abril 29, 2023.
Matagumpay ang aktibidad sa tulong ng International Bible Simbahan – Mandaluyong kaagapay nina Rev. Paul James S. Cruzado, Bro. Vincent Llamado at pati na rin International Bible Church-Subic Zambales kasama ang Community Affairs and Development Section sa pangunguna ni Police Captain Jurana B Ollaginh, Chief, SCADS ng Mandaluyong City Police Station.
Nagkaroon ng lecture tungkol sa Anti-Kidnapping Tips upang bigyang kaalaman kabataan lalo na sa mga musmos pa sa edad pati na rin ang kanilang mga karapatan at proteksyon mula sa mga indibidwal na mapagsamantala sa mga kabataan at nanghihikayat ng mga masasamang gawaing labag sa batas.
Kasabay sa aktibidad, ay namahagi ang grupo ng pagkain at inumin sa mga piling residente na aktibong dumalo sa nasabing programa.
Nais ng grupo na maghatid ng kaalaman sa batas at tulong sa kanilang kababayan na nangangailangan.