Livelihood Program handog ng Barangay Officials sa Navotas City

Hinandugan ng libreng Livelihood Program ng mga opisyales ng Barangay NBBN ang mga residente nito na ginanap sa Community Isolation Facility 4, Navotas City nito lamang Huwebes, Abril 27, 2023.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ni Kap. Malou Gonzalez katuwang ang Navotas City Police Station sa pamumuno ni
Police Colonel Allan B Umipig, Chief of Police.

Dinaluhan ng mga nanay ang nasabing programa na kung saan ay tinuruan sila kung paano gumawa ng sabon na magsisilbi na rin panggamit sa bahay o kaalaman para magsimula ng hanapbuhay.

Layunin nito na tulungang makabangon ang mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Brgy. Sipac Almacen at Brgy NBBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *