Liga para sa kabataan isinagawa sa Navotas City

Masayang sinimulan ng mga manlalaro ang palarong Liga para sa kabataan na ginanap sa Precel Basketball Court, Brgy. Sipac-almacen, Navotas City nito lamang umaga ng Lunes, Mayo 1, 2023.

Naimbitahan rito ang Hepe ng Navotas CPS na si Police Colonel Allan B Umipig bilang panauhing pandangal kung saan kanyang ibinahagi sa mga manlalaro ang B.I.D.A. Program at pinayuhan ang mga manlalaro at mga residente sa naturang barangay na iwasan ang ipinagbabawal na gamot bagkus ay ibaling nalang sa mga makabuluhang gawain gaya ng paglalaro ng basketball ang kanilang mga sarili na may malaking benipisyo sa kalusugan.

Layunin din ng palarong ito na maipakita ang sportmanship ng bawat manlalaro sa pisikal at mental na aspeto upang mapanatili ang malusog na katawan at matalas na pag-iisip at palakasin ang kanilang kakayahan sa larong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *