Force Multipliers at ibang ahensya, nakiisa sa Simultaneous Coastal Clean-up Drive ng Batanes PNP

Nakiisa ang Advocacy Support Group mula Batanes katuwang ang PNP sa isinagawang Coastal Clean-up Drive nito lamang Martes, Mayo 2, 2023 sa Barangay kaychanarianan Basco, Batanes.

Ang aktibidad ay bahagi ng Clean and Green Project ng lugar na kinabibilangan ng Batanes Police Provincial Mobile Company, Basco Police Station, Force Multipliers katuwang ang Local Government Unit at Philippine Coast Guard.

Nagsimulang ang mga grupo mula sa Taytay Bridge na naglinis
at nagpulot ng mga basura at plastik na nakakalat sa gilid ng ilog mula hanggang sa Yasyas Bridge.

Nangako ang grupo na susuporta sa mga proyekto ng pamahalaan kabilang na ang PNP hindi lamang sa usaping pangkapayapaan kundi maging sa aspeto ng pag-alaga’t pagbantay sa inang kalikasan.

Source: Batanes Provincial Mobile Force Company

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *