Gift Giving Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group

Nagsagawa ng Gift Giving activity ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Barangay Lupa-an, Laua-an, Antique nito lamang ika-2 ng Mayo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Laua-an Municipal Advisory Council katuwang ang Laua-an Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection at iba pang mga volunteers.

Namahagi ang grupo ng mga gift packs sa mga bata ng nasabing lugar na kanila namang ikinaaliw.

Layunin ng naturang grupo na makatulong sa mga kababayan na lubos na nangangailangan at maipadama ang malasakit at pagmamahal ng gobyerno sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *