Solar Street Lights ipinamahagi sa Magsaysay, Misamis Oriental

Namahagi ng Solar Street Lights sa Barangay Abuda, Magsaysay, Misamis Oriental ang mga miyembro ng Philippine Army 23 Infantry Battalion at Revitalized Pulis sa Barangay Magsaysay, Misamis Oriental nito lamang ika-8 ng Mayo 2023.

Ito ay bahagi ng quick impact project ng awtoridad upang matulungan ang mga mamamayan na nangangailangan.

Labis naman ang pasasalamat ng residente ng nabanggit na lugar sa kanilang natanggap na serbisyo na napakalaking tulong sa naturang lugar upang mailawan at maging ligtas ito sa mga aksidente at krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *