KKDAT-Lamut nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive at Zumba for a Cause

Terorismo-Lamut sa isinagawang Clean-up Drive at Zumba for a Cause sa Jolowon Elementary School, Holowon, Lamut Ifugao nito lamang Mayo 7, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Ifugao 2nd Provincial Mobile Force Company 2nd Manuever Platoon kasama ang mga NSTP-CWTS Nursing students ng Ifugao State University, mga Barangay Officials at mga residente ng naturang lugar.

Ang nasabing grupo ay inumpisahan ang umaga sa pamamagitan ng pagsayaw ng zumba na sinundan ng pagpulot ng mga basura at paglinis sa naturang kapaligiran.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng lugar at magkaroon ng magandang kalusugan habang tumutulong sa pagpapanatili ng luntiang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *