Kaligkasan Warrior nakiisa sa Clean-up Drive sa Bataan

Nakipagtulungan ang mga Kaligkasan Warrior sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Mabuco, Hermosa, Bataan nito lamang Sabado, ika-6 ng Mayo 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B. Ollaging, Force Commander.

Nagtulungan ang naturnag grupo na nagwalis at naglinis sa paligid ng nasabing barangay.

Hinihikayat lahat ng mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *