YMF-Abra dumalo sa Lecture on Mental Health Awareness

Dumalo ang mga miyembro ng Youth Mobile Force-Abra sa isinagawang Lecture on Mental Health Awareness sa 1504th, Regional Mobile Force Battalion Headquarters, Casamata Hill, Zone 5, Bangued, Abra nito lamang Mayo 8, 2023.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 1504th ng RMFB 15 at dinaluhan ng pitong miyembro ng YMF-Abra.

Itinuro sa aktibidad ang kahalagahan at mga bagay na nakakaapekto sa mental na kalusugan ng mga tao. Kasama na rin sa natalakay ang mga hakbang o gawain para mapanatili ang maayos na kalagayan nito.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng sapat na kaalaman sa mga kabataan ukol sa kanilang mental na kalusugan at matuto sa tamang pagtulong sa kapwa pagdating sa mental na pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *