Advocacy Support Groups, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. San Pedro, Lasam, Cagayan noong ika-14 ng Mayo 2023.

Ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Barangay Peace Keeping Action at mga tauhan ng Lasam Police Station ay nagtipon-tipon at nagtulong-tulong upang maging matagumpay ang aktibidad.

Nakapagtanim ang grupo ng 30 bamboo propagules seedlings sa naturang barangay.

Layunin nito na makatulong sa pagbabalik ng luntiang kagubatan upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan. Napagtibay din ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan dahil sa pagtutulungan ng mga grupo.

Source: Lasam Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *