Muslim Youth Leader nakiisa sa Feeding Program sa Taguig City

Taguig City — Masayang nakiisa ang mga miyembro ng Muslim Youth Leader (MYL) sa isinagawang feeding program sa Darul Aytam Islamic Education and Guidance Association-Orphanage, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City nito lamang tanghali ng Sabado, Mayo 13, 2023.

Katuwang ng grupo ang Salaam PNCO ng 2nd MFC sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Arnold M Licerio, Company Commander.

May kabuuang 50 na estudyante ang nakinabang sa naturang programa.

Naglalayon ang aktibidad na pagtibayin ang samahan ng Muslim Youth sa kapwa nila kabataan na siyang isa sa mga solusyon upang mailayo sila sa mga masasamang bisyo at pagkakasangkot sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *