Coastal Clean-up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa baybayin ng Caoayan Ilocos Sur

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive Activity ang Advocacy Support Groups sa baybayin ng Fuerte, Caoayan, Ilocos Sur, nito lamang ika-15 ng Mayo 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ay ang Caoayan PNP na pinapangunahan ni Police Captain Allan O. Reoliquio, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na pigilan ang lumalalang polusyon sa tubig upang hindi tuluyang masira ang yamang dagat na siyang pinagkukunan ng pagkain at pangkabuhayan.

Samantala, hindi naman tumitigil ang iba’t ibang grupo sa pakikiisa at pangunguna sa mga aktibidad kung saan makakatulong sila sa pagbalik ng kagandahan at kalinisan ng kalikasan.

Source: Caoayan Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *