Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Sta Catalina Ilocos Sur

Pinangunahan ng mga miyembro ng Advocacy Support Group, Kaligkasan Volunteers, Women Groups, at Barangay Officials ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Cabuloan, Sta Catalina, Ilocos Sur nito lamang ika-14 ng Mayo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang Sta Catalina Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Marlon C Martinez, Officer-in Charge.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng payapa, ligtas at maayos na kapaligiran at pamayanan.

Hinikayat ng grupo ang mga residente ng lugar na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Source: Sta Catalina Municipal Police Station Ilocos Sur

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *