Free Zumba ngayong Mother’s Day isinagawa sa Taguig City

Taguig City — Nagsagawa ng free Zumba ang grupo ng Pretty Moms Zumba bilang pagdiriwang ng Mother’s Day sa Delvo St. Central Bicutan, Taguig City nito lamang Sabado, ika-13 ng Mayo 2023.

Ito ay pinangunahan ni President Zenaida Luzuriaga at Sister Katelyn Avelino na nag bigay ng pambungad na panalangin.

Kasama din sa aktibidad ang mga tauhan ng CAS sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Jul-Musa S Saat, Company Commander.

Kasabay din nito ang pamamahagi ng mga lobo at tsokolate para sa mga lumahok na dakilang ina.

Layon nitong pahalagahan ang mga ilaw ng tahanan at ipadama sa kanila ang malaking papel nila sa lipunan at sa paghubog sa kanilang mga anak bilang pag-asa ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *