Feeding Program, isinagawa ng Force Multipliers sa Malasiqui, Pangasinan

Nagsagawa ng Feeding Program ang Force Multiplers sa Potiocan Elementary School, Brgy. Potiocan, Malasiqui, Pangasinan nito lamang ika-11 ng Mayo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang mga miyembro ng Advocacy Support Group, Faith Based, Malasiqui Rescue Volunteers, at Malasiqui PNP na pinapangunahan ni Police Lieutenant Colonel Luis M. Ventura Jr., Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata nang sa gayon ay may sapat na lakas ang mga sa kanilang pag-aaral at himukin ang mga kabataan na kumain ng masusustansiyang pagkain para magkaroon ng malakas na pangangatawan.

Samatala, patuloy pa din ang iba’t ibang grupo sa pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan prayoridad ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata.

Source: Malasiqui Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *