Tree Planting Activity, nilahukan ng mga estudiyante sa Palawan

Sofronio Española, Palawan – Aktibong nakilahok ang mga estudyante ng Pulot Interior, Elementary School ang isinagawang Tree Planting activity na ginanap sa Brgy. Pulot Interior, Sofronio Española, Palawan noong merkules ika-10 ng Mayo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng 1st Palawan PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Klintom Rex Jamorol, Force Commander ng 1st Palawan PMFC.

Nakapagtanim ng mahigit 200 na Mahogany seedlings ang mga kabataan at kapulisan sa naturang lugar.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong isulong ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno para maiwasan ang pagguho ng lupa o pagbaha sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *