Kabataan ng Samoki nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga kabataan sa isinagawang Clean-up Drive sa Samoki, Bontoc, Mt. Province nito lamang Mayo 10, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Femia Grace Simpliciano at Bontoc PNP, kaagapay ang mga miyembro ng BJMP, DENR, Samoki Green Police kasama ang mga kabataan ng Samoki na pinamunuan ni Anton Nasungan, SK Chairman.

Ang nasabing grupo ay nagtulong- tulong sa pagpulot ng mga basurang nakakalat sa lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at himukin ang mga residente na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *