BIDance Community Fitness Activity nilahukan ng Amadeo Aero Club sa Cavite

Cavite- Ganadong nakihataw ang miyembro ng Amadeo Aero Club sa isinagawang BIDance Community Fitness Activity na ginanap sa Barangay Poblacion 6, Amadeo sa probinsya ng Cavite nito lamang Huwebes, ika-11 ng Mayo 2023.

Nanguna sa aktibidad ang mga miyembro ng PNP Fitness team na nagsilbing mga dance instructors.

Ito ay alinsunod din sa programa ni DILG Sec. Benjamin Benhur Abalos Jr na “Buhay Ingatan,
Droga’y Ayawan.

Ang grupo ay aktibong nakiisa sa sayawan na talaga namang bigay todo sa pag-indak.

Layunin din nitong paalalahanan ang bawat indibidwal na panatilihing malusog at malakas ang kanilang pangangatawaan sa paraan ng pag eehersisyo upang makaiwas sa anumang uri ng karamdaman upang makapamuhay ng aktibo at progresibo sa araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *