Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development, nakilahok sa isinagawang Feeding Program Activity

Baleno, Masbate- Nakiisa ang Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD) sa isinagawang Feeding Program Activity sa mga mag-aaral ng Manoboc Elementary School, Barangay Manoboc, Baleno, Masbate nito lamang ika-29 ng Mayo 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng mga tauhan ng Baleno MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Antonio A Padilla Jr., Officer-in-Charge ng Baleno MPS.

Nasa humigit kumulang 50 na mga mag-aaral ang naging benepisyaryo ng naturang programa. Labis naman ang ikinatuwa ng mga mag-aaral ang natanggap na libreng pagkain.

Patuloy ang ibat’ ibang sektor ng lipunan sa pagbibigay ng serbisyo publiko para sa matatag at matibay na ugnayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *