KKDAT members, nakiisa sa Fun Run at Zumba Activity sa San Juan La Union

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Fun Run at Zumba Activity na ginanap sa Brgy. Ili Sur, San Juan, La Union nito lamang Huwebes, ika-18 ng Mayo 2023.

Aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang mga estudyante ng San Juan Senior High School kasama ang San Juan PNP na pinamumunuan ni Police Major Gregorio C Oreiro, Acting Chief of Police.

Layunin nitong bigyan ng inspirasyon ang mga kabataan na pangalagaan ng mabuti ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.

Samantala, patuloy naman ang Advocacy Support Group sa paghihikayat sa mga kabataan na makiisa sa mga aktibidad upang mahasa ang kanilang kakayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *