Eagles Force Multipliers, nakiisa sa Feeding Program sa Taguig City

Rizal – Masayang pinilahan ng mga kabataan ang isinagawang Feeding Program na nilahukan ng mga miyembro ng Eagles Force Multipliers, Taguig Chapter na ginanap sa Blk 7,Purok 4, Magsaga St Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal nito lamang Linggo, ika-4 ng Hunyo 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng 6th Mobile Force Company sa pamumuno ni Poloce Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB.

Naglalayon ang programang ito na palakasin ang ugnayan ng mga kapulisan at ng komunidad at ipadama ang pagmamalasakit sa bawat isa upang maramdaman nila ang pagmamahal mula sa ating gobyerno na hindi magsasawang tumulong sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *