Clean-Up Drive, pinangunahan ng BPATs sa Cebu

Cebu – Pinangunahan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang pagsasagawa ng Clean-up Drive sa Brgy. Muabog, Tabogon Cebu nito lamang Sabado, ika-3 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng naturang grupo ang Tabogon PNP sa pangunguna ni Police Captain Jose T Buscato Jr, Officer-In-Charge at Barangay Officials ng nasabing lugar.

Nilinis ng grupo ang mga nakakalat na mga basura, pinutol ang mga sanga ng punong kahoy na nakabalandra sa mga kable ng kuryente at nagdamo na rin sa mga bakanteng lote.

Layunin ng aktibidad na magbigay paalala sa mga dapat gawin para maiwasan ang electric circuit na nagdudulot ng sunog; panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran para makaiwas sa sakit dulot ng maruming kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *