Tau Gamma Phi Donsol Chapter, nakiisa sa isinagawang Feeding Program Activity sa Sorsogon.

Nakiisa ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi Donsol Chapter sa isinagawang Feeding Program Activity sa mga kabataan ng Barangay Tres Maria, Donsol, Sorsogon nito lamang ika-3 ng Hunyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Donsol MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Joven B Moriones, OIC ng nasabing himpilan.

Bahagi ng nasabing programa ang pamamahagi ng masustansyang lugaw sa mga bata na naging benepisyaryo ng programa. Labis naman ang tuwa at saya ang naidulot ng aktibidad sa mga bata sa munting program na handog ng grupo.

Patuloy ang Tau Gamma Phi at ang pulisya sa pagtutulungan para makapaghatid ng serbisyo publiko sa ating mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *