Force Multipliers, nakiisa sa Tree Planting Activity

Negros Oriental – Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Luyang Mabinay, Negros Oriental nito lamang ika-6 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng 704th Maneuver Company ng RMFB7 sa pangangasiwa ni Police Major Ranie Solomon Bantolio, Barangay Officials at mga miyembro ng Municipal Environment and Natural Resource Office (MENRO).

Napagtibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan dahil sa pagtutulungan ng mga ito upang makapagtanim ng punong Narra.

Layunin nito na makatulong sa pagbabalik ng luntiang kagubatan upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *