Advocacy Support Group, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive Activity sa Aklan

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Simultaneous Coastal Clean-Up Drive Activity sa Malay, Aklan nito lamang ika-5 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ay ang Malay Municipal Police Station, tourism frontliners, stakeholders, volunteer groups, advocacy groups at iba pang mga government agencies.

Nilinis ng mga kalahok ang lahat ng basura na nakakalat sa baybayin ng Station 1 to 3 ng Bolabog Beach, Diniwid at Puka Beach ng Boracay Island.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Boracay Island na isa sa mga dinadayo ng turista sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *