KKDAT, nakiisa sa paglulunsad ng Project S.A.G.I.P Kabataan

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa paglulunsad ng Project S.A.G.I.P Kabataan nitong Huwebes, ika-8 ng Hunyo 2023 sa Calayan, Cagayan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyales mula sa Lokal na Pamahalaan ng Calayan, mga guro at estudyante ng Calayan High School, at mga kapulisan sa nasabing bayan.

Layunin ng proyektong ito na maipamulat at maituro sa mga kabataan at mga estudyante ang mga mapanlinlang na pamamaraan ng mga teroristang grupo.

Bukod dito, layon din mailayo sila sa pagkakasangkot sa mga krimen at anumang bagay na labag sa batas.

Source: Calayan Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *