Life Coaches nagsagawa ng Urban Gardening sa Mandaluyong City

Masayang nakiisa ang mga miyembro ng Life Coaches sa isinagawang Urban Gardening sa
Nueve de Pebrero cor Barangka Drive, Barangay Mauway, Mandaluyong City nito lamang umaga ng Huwebes, Hunyo 8, 2023.

Ang aktibidad ay may temang “Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) na pinangunahan ng mga pastor ng Religious Groups kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 6 ng Madaluyong City Police Station sa pamumuno ni Police Captain Louie C Orlain Jr, SS6 Commander.

Layunin nitong panatilihing luntian ang kapaligiran at magbigay ng kaalaman sa pagkabuhayan o pangunahing pagkain mula sa mga itinanim na gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *