KKDAT, aktibong nakiisa sa Tree Planting Activity sa Antique

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy Guintas, Hamtic, Antique nito lamang ika-11 ng Hunyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Hamtic Municipal Police Station na masugid na nilahukan ng KKDAT, Brgy Officials, Barkada Kontra Droga at iba pang mga volunteers.

Mahigit sa 60 na puno ng Narra, Cacao at Kamagong ang naitanim ng mga kalahok sa nasabing lugar.

Patuloy ang grupo sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang maprotektahan ang kalikasan at maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *