Mahigit 100 Pamilya sa Sultan Kudarat, natulungan ng Community Outreach Program

Sultan Kudarat ā€“ Umabot sa mahigit 100 pamilya ang naging benepisyaryo at natulungan ng Community Outreach Program na inilunsad sa Sitio Datu Etang, Barangay Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Hunyo 13, 2023.

Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng serbisyong nagkakaisa ng Advisory Group Police Transformation and Development, Kalamansig PNP at sa patuloy na suporta ng Kalamansig-LGU.

Matagumpay na nakapaghatid ang mga nasabing grupo ng serbisyo at kasiyahan gaya ng gift giving activity at mga parlor games. Namahagi din ang grupo ng mga damit at mga food packs sa mga nasabing benepisyaryo.

Lubos na pasasalamat naman ang tugon ng mga residente sa naturang aktibidad.

Layunin ng grupo na makapaghatid ng libreng serbisyo sa mga mamamayan na lubos na nangangailangan, gayundin ay upang maipadama ang tunay na pagmamalasakit ng gobyerno sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *