Municipal Advisory Group, nakiisa sa Mangrove Planting Activity sa Bacacay Albay

Aktibong nilahukan ng Municipal Advisory Group ang isinagawang Mangrove Planting Activity sa Barangay Pongco, Bonga Bacacay Albay nito lamang ika-10 ng Hunyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunghan ng mga personahe ng Bacacay Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Irvin B Bellen, Chief of Police ng Bacacay MPS.

Nagtulong tulong ang mga kalahok sa pagtatanim ng mga bakawan sa dalampasigan ng karagatan.

Layunin nito na madagdagan ang mga bakawan upang maging tirahan ng mga isda at mga iba pang yamang dagat, maging panangga sa malalakas na alon at mabawasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.

Patuloy ang pagtutulungan ng Pambansang Pulisya at ang kanilang mga Advisory Group upang mapangalagaan ang mga likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *