Oplan Tuli, isinagawa sa Calbiga Samar

Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit at 802nd Maneuver Company, RMFB 8 ang Oplan Tuli sa Barangay Canticum, Calbiga, Samar nito lamang Abril 21, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 802nd Maneuver Company, RMFB 8 katuwang ang mga nurse mula sa RHU-Calbiga, Municipal Health Officer ng Calbiga, RAGPTD member at City Epidemiology and Surveillance Officer ng Tacloban City, mga tauhan ng BFP-Calbiga, at Barangay Health Workers mula sa nasabing barangay.

May kabuuang 60 kalahok na may edad na mula 6 hanggang 14 na taong gulang, ang nakinabang sa mga serbisyong ibinigay na nagmula pa sa iba’t ibang barangay sa Calbiga at Pinabacdao, Samar.

Ang mga magulang ng mga kalahok ay nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa 802nd MC at lahat ng mga tauhan na kasama sa aktibidad. Pinahahalagahan nila ang dedikasyon at pagsisikap ng lahat na ginawang posible ang kaganapan, na kinikilala ang positibong epekto nito sa kalusugan at kapakanan ng kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *