Advocacy Support Group, nakiisa sa Gift Giving Activity sa Capiz

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang gift-giving activity na ginanap sa San Antonio Elementary School at San Jose Elementary School, Tapaz, Capiz nito lamang ika-13 ng Hunyo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 602nd Company, Regional Mobile Force Battalion 6 katuwang ang grupong Gideons International, Philippine Army, at ang mga faculty and staff ng nasabing paaralan.

Namahagi ang naturang grupo ng libreng meryenda at school supplies sa mga mag-aaral na makakatulong sa kanilang pag-aaral.

Layunin ng grupo na matulungan ang mga mag-aaral upang matupad nila ang kanilang mga pangarap para sa kanilang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *