Pananampalataya, Gabay sa Serbisyong Pulis

0
D2

Isinagawa ng Bayambang Municipal Police Station (MPS) ang Squad Weekly Interactive Meeting (S.W.I.M.) noong Setyembre 22, 2026 upang higit na mapalakas ang espiritwal na katatagan at pagkakaisa ng mga tauhan.

Pinangunahan ni Pastor Ilarde Aggabao, Life Coach ng Bayambang MPS, ang pagtitipon kung saan nagbahagi siya ng mga makabuluhang mensahe mula sa Banal na Kasulatan at binigyang-diin ang kahalagahan ng pananampalataya at paggabay ng Diyos sa araw-araw na pagtupad ng tungkulin ng mga pulis.

Naging pagkakataon din ang S.W.I.M. para sa pagbabahagi ng mga pananaw at personal na pagninilay na naglalayong palakasin ang samahan, moralidad, at espiritwal na pundasyon ng bawat miyembro ng Bayambang MPS.

Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, patuloy na isinusulong ang pagkakaroon ng mga pulis na hindi lamang handang maglingkod, kundi may matatag na pananampalataya at malasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *