Force Multipliers, nakiisa sa Feeding Activity sa Bohol

Masugid na nakiisa sa isinagawang Feeding Activity ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Sikatuna Elementary School, Brgy. Sikatuna, Talibon, Bohol nito lamang ika-14 ng Hunyo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Talibon PNP sa pangunguna ni Police Captain Amelito Melendres Melloria, Officer-In-Charge katuwang ang Stakeholders, Sikatuna Patrol Base Detachment, Task Group Bohol ng 47IB, 3RD ID Philippine Army, Barangay Local Government Unit, Barangay Tanod at Alpha Kappa Rho.

Tinatayang nasa 200 na mag-aaral na nabahagian sa aktibidad ng mga binignit ng mga bisaya.

Layunin ng grupo na matulungan at matiyak na ang bawat mag-aaral ay may malusog na katawan at isipan na siyang magiging tulay sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *