Land Transportation Office 11, nagsagawa ng Caravan sa Davao City

Naglunsad ng caravan ang mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) 11 kasama ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) sa Purok 6, Gymnasium, Brgy. Baracatan, Toril District, Davao City, Hunyo 16, 2023.

Naging matagumpay ang inilunsad na caravan ng LTO na kung saan nag-alok ang mga ito ng One Stop Shop Outreach Program tulad ng pagkuha ng Student Permit, Renewal ng Motor Vehicle, Emission Testing, Medical at Insurance, Driver’s License renewal at Driving Enhancement Program Seminar (DEPS).

Nakapagtala naman ng humigit kumulang 600 benepisyaryo ang LTO na makapagbibigay sa kanila ng mas kaunting abala at mas kaunting gastos sa mga serbisyo mula sa gobyerno.

Lubos na nagpapasalamat ang mga residenteng nabigyan ng serbisyo ng LTO sa pangunguna ni Mr. Chady Montenegro, TRO II sapagkat ngayon ay makapagbibyahe na sila ng wala ng alalahanin sa lisensya at rehistro ng kanilang mga sasakyan. Gayun din sa mga R-PSB na nagbigay seguridad sa mga taong dumalo sa nasabing programa.

Ang aktibidad ay naglalayong ihatid ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga barangay mismo at upang mas mapagtibay pa ang ugnayan ng pamahalaan at ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *