Gift Giving Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Capiz

Capiz- Nagsagawa ng gift-giving activity ng mga miyembro ng advocacy support group sa mga mag-aaral ng Malitbog Elementary School Tapaz, Capiz nito lamang ika-14 ng Hunyo 2023.

Namahagi ang grupong Gideons International ng libreng school supplies, kasunod ng libreng meryenda para sa mga estudyante ng nasabing paaralan.

Katuwang ng naturang grupo ang 602nd Company ng RMFB6, Philippine Army, Tapaznon Concerned Citizens at faculty and staff ng paaralan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga mag-aaral sa naturang grupo na sila ang napiling handugan ng mga libreng school supplies.

Patuloy ang grupo sa mga ganitong aktibidad para maipadama ang malasakit at pagmamahal sa ating mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *