Medical Mission, Isinagawa ng DOH XI sa Davao City

Nagsagawa ng medical mission ang Department of Health (DOH) XI kasama ang Thermo South Incorporated-Aboitiz Power (TSI-AP) at Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) sa Old Barangay Hall, Binugao, Toril District, Davao City, Hunyo 16, 2023.

Matagumpay na naisagawa ang medical mission sa humigit kumulang 330 individual ng mga kawani ng DOH XI at TSI-AP na kung saan may Basic Essential services tulad ng free check-up, dental check-up, distribution of medications, medical check-up para sa pediatrics at blood pressure screening.

Samantala, sa tulong ng mga tauhan ng R-PSB ay mapayapa at ligtas na natapos ang nasabing medical mission sa pamamagitan ng pagbibigay seguridad sa kaligtasan ng mga benepisyaryo at lahat ng dumalo dito.

Labis namang nagpapasalamat ang mga benepisyaryo sa DOH sa pangunguna ni Dr. Allan L Dolor at TSI-AP sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad at pati na rin sa R-PSB na tumulong upang maisagawa ng maayos at ligtas ang programa.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa bawat indibidwal sa usaping pangkalusugan at pagkakaroon ng malakas na pangangatawa upang patuloy na maging produktibo sa mga gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *