Bloodletting Activity, dinaluhan ng PNP sa General Santos City

General Santos City – Nakiisa ang mga tauhan ng Police Station 7 ng General Santos City sa Bloodletting Activity ng Philippine Red Cross sa SM Mall, General Santos City nitong ika-16 ng Hunyo, 2023.

Pinangunahan ng Philippine Red Cross ang aktibidad katuwang ang Philippine National Police at Lokal na Pamahalaan ng General Santos na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

May kabuuang 50 na bag ng dugo ang nakolekta sa isinagawang aktibidad.

Layunin ng mga ganitong aktibidad na makatulong sa mga nangangailangan ng tulong medikal.

Patunay lamang ito na patuloy ang ugnayan ng pamahalaan, ng mamamayan at ng kapulisan na may pagkakaisa tungo sa mapayapa at progresibong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *