Land Transportation Office XI, nagsagawa ng Caravan sa Davao City

Nagsagawa ng caravan ang mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) XI kasama ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) sa Purok 6, Covered Court sa Brgy. Baracatan, Toril District, Davao City, Hunyo 21, 2023.

Matagumpay ang inilunsad na caravan ng mga kawani ng LTO XI sa pangunguna ni Mr. Chady Montenegro, TRO II kung saan nag-alok ng One Stop Shop Outreach Program gaya ng student permit, renewal ng motor vehicle, emission, medical and insurance, renewal of driver’s license, at driving enhancement program seminar.

Ang nasabing programa ay bahagi ng proyektong hatid ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Hon. Sebastian “Baste” Duterte.

Lubos na nagpapasalamat ang mga residenteng nabigyan ng serbisyo sa LTO XI sapagkat ngayo’y makapagbibyahe na sila ng walang iisiping alalahanin sa lisensya at rehistro ng kanilang mga sasakyan. At sa R-PSB sa pagbibigay seguridad sa mga taong dumalo sa nasabing aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong tulungan ang mga mamamayan na dalhin sa kanila ang mga serbisyo ng gobyerno sa mas madaling paraan lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *