KKDAT, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive sa Gattaran, Cagayan

Aktibong nakiisa ang mga myembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Clean-up Drive sa tabing-ilog ng Brgy. Fugu, Gattaran, Cagayan noong ika-19 ng Hunyo 2023.

Nakibahagi sa paglilinis ang mga tauhan ng Gattaran Police Station, Police Trainees at mga residente ng nasabing barangay.

Pinulot ng grupo ang mga nakakalat at nakatambak na basura sa nasabing lugar.

Ang nasabing aktibidad ay isang paraan ng pagtuturo sa mga residente na lumikha ng mga posibleng solusyon sa matagal nang problema sa solid waste at basura sa ating mga lokal na lugar sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura sa mga baybayin at daluyan ng tubig.

Layunin nito na mapaabot sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis sa paligid at tamang pagtapon ng mga basura upang mapangalagaan ang ating likas na yaman.

Source: Gattaran PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *