Launching ng Community-Based Drug Rehabilitation Program Batch 2023, nilahukan ng Faith-Based Volunteer sa Leyte
Hilongos, Leyte – Matagumpay na inilunsad ang Community-Based Drug Rehabilitation Program Batch 2023 na nilahukan ng Faith-based Volunteer na ginanap sa Hilongos Municipal Gymnasium, Brgy. Western, Hilongos, Leyte nito lamang Hunyo 29, 2023.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council of Hilongos, Leyte sa pangunguna ni Mayor Manuel R. Villahermosa, kasama ang Faith-Based Volunteer ng Leyte, IA1 Cleveland S. Villamor, PDEA Leyte Provincial Officer, kinatawan ng Department of Health, DILG Leyte, MSWDO, LGU Officials; CBDRP Technical Working Group.
Ang paglulunsad ng Community-Based Drug Rehabilitation ay ginawa upang matulungan ang mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) na naglalayong tumuon sa pagpapagaling ng katawan, isip, at kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapayo at iba pang mga therapeutic session at ibalik sila sa mainstream ng lipunan.