Tricycle Drivers nakatanggap ng Food Packs Sa Marikina City

Masayang pinilahan ng mga tricycle drivers ng grupong FATWIBATODAI ng Barangay Nangka, Marikina City ang isinagawang food packs distribution nito lamang Martes, Hulyo 11, 2023.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pamamagitan ng 2nd MFC personnel sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Arnold M Licerio, Company Commander ng nasabing yunit.

Naglalaman naman ng bigas, noodles, canned goods at facemask ang naturang food packs.

Laking pasasalamat naman ng mga tricycle drivers sa natanggap na biyaya mula sa grupo at hiniling na sana’y marami pang matulungan ang pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *